“Ulan” by Cueshe

INTERPRETASYON:

Ang kantang “Ulan” sa bandang Cueshe ay isang OPM na kanta noong 2006. Isa ito sa mga nostalgic na kanta sa mga Pinoy sa panahon ngayon, dahil halos lahat sa mga nakikinig ay nagnonostalgia at nakikipag-throwback sa nakaraan, nakikisabay sa kultura ng OPM sa panahon na ‘yon.

Ngayon, pupunta naman tayo sa pag-aanalitika sa lyrics ng kanta sa pamamagitan ng paliliwanag. Pinili ko ang dalawang magkakaibang linya sa kanta na iyan.

Una: “Lagi na lang umuulan”, kapag ginagamit mo ang literal na aspeto, na laging umuulan, walang kahintuan. Pero may tinatagong kahulugan ang linyang ito. Pwede mo rin maiisipin na lagi siyang umiiyak. Sa ganitong aspeto, maikokonekta natin ang salitang ulan at iyak. Sa palagay ko, ang nagkakanta ay parang nasaktan sa ibang paraan.

Ikalawa: “Tanging hiling ko sayo na tuwing umuulan maalala mo sanang may nagmamahal sayo—ako” base sa linyang ito, hiling ng nagkakanta na umaasa siya sa isang tao na ikinakanta niya na mararamdaman sa tao ang kanyang presensya tuwing umiiyak siya sa kanyang kalungkotan at nandun siya palagi sa kanyang katabi.

Pagkatapos kong pakinggan ang kantang ito, totoong nostalgic ang kantang ito, nagbibigay ito ng mensahe na medyo natamaan ko sa huli na makikita sa mga tiyak na linya sa kantang ito na may nakatagong kahulugan sa loob. Sobrang miss ko na ang mga music na kagaya nito.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started